Worthy to Reminisce
Its almost half a year of 2009 marami rami na rin ang mga pangyayari sa personal kung buhay pero walang ispisyal na mga tagpo ang nakapture kaya wala man lamang akong entries dito sa blog.
Noong mga nakaraang buwan nakapag bike ako ng malayo going north nakarating na ako sa Marikina River Bank dyan mismo sa baba ng SM Marikina. Medyo mahirap ang daan papunta lalo na pag week days at peak hours congested ang daan trapik.
Going south naman narating ko na rin yung San Pedro Laguna. Ito hindi kagaya ng sa papuntang Marikina medyo light lang ang trapik, babaybayin mo lang ang daan dito sa gilid ng Laguna Lake tapos paglabas mo nasa Alabang kana .Sa Viaduct lang sa Alabang ang medyo dilikado kasi maraming sasakyan.Paglampas dyan dericho na ang takbo.
Nakausap ko rin ang Nanay ko sa mga isang taon din kami hindi nagkita nyan.
Noong linggo Mother's Day kaya para maging ispisyal man lamang ng kunti ang araw binisikleta ko ulit yung Pasig para makabili ng ispisyal na pansit bihon doon sa Ados Pansiteria masarap nga naman ang pansit nila kagaya ng sabi ni Korina Sanchez sa Rated K, hehehe.