Thursday, December 28, 2006

Changing Views

Quarter to six in the morning gayak na ako para mag jogging kami ni hubes.Sya pala ang aking my one and only son.



Hirap nga niya gisingin dahil kakatulog lang ulit mga 6:20AM na kami nakaalis.Excited yata kaya mga 4AM palang
gising na sya .Heto na nong tumakbo kami papuntang C6 lahat na nang tao namakasalubong namin binati nya.Masaya ang takbo namin maingay itong anak ko .Sa hindi kalayuan lang nako nadapa sabi niya ok lang daw hindi sya nasugatan kaya tuloy pa rin kami.Pero nong nilingun ko na naka ngiwi na hehehe naramdaman na ang sakit patay na heto ayaw ng tumakbo.First time naming mag jogging na dalawa sa tanang buhay niya (4 1/2 years old).Malayo layo rin ang nilakad at ni jog naming dalawa.Bigla nalang napansin niya ang mga ligaw na bulaklak.



Tinanong ko kung ano ang gagawin niya sa mga kinuha niyang mga bulaklak sa gilid ng daan sabi niya pasalubong niya kay mama niya pag-uwi.Medyo naluha ako bahagya ngeehhhh .....